Tuesday, February 24, 2009

itong post na ito ay isa sa mga walang kabukuhan o walang saysay na post sa lahat ng pinost ko sa blog na 'to. wala na kasi akong matalakay kaya eto, mangungumusta nalang ako. kahit alam kong iilan lang ang bumibisita sa blog ko. hahaha kumusta na kayo?

bukas ay nakatakda na ang aming thesis defense. medyo kinakabahan padin ako kahit tatlong sunod sunod na taon ko na etong ginagawa. hindi ko alam kung bakit. siguro shy lang talaga ako. hindi ko pa alam kung ano isusuot ko kasi hindi pa ako tumitingin sa aking aparador. ano kaya susuutin ko? hmm??

so etong week na to' ay ang final week na ng academics dahil next week ay exam na namin. speaking of which, exam ko na sa patts sa sabado. pag pray niyo ako na sana pumasa ako dahil dito na ako papasok. sabay kami ni kuya justin.

after ng examination namin ay graduation practice na. lapit na grmaduate. make every moment count.


-drahcir

Friday, February 20, 2009

what's up?

kumusta naman kayo? uhhmm.. wala nanaman akong masabi pero sige. post lang. wala naman nagbabasa ng blog ko e. bakit nga ba tayo nag bblog? ano sa tingin niyo? ako din e, hindi ko mapagtanto kung bakit ako nagppost dito sa blog kahit wala naman bumibisita. siguro dahil dito ko lang na eexpress ang mga hinanaing ko o kung hindi man ay dito ko na isshare ang bagay na nalalaman ko sa araw araw ko na pamumuhay. pero walang chismis. bawal dito yun. haha ayokong pag awayin ang mga tao dahil sa blog na 'to. so peace men. away nalang tayo sa labas ng campus, rambol. joke.. so what's up? balitaan niyo nalang ako. tag nalang kayo sa "ibulong mo kay richerd" kahit walang ng comment sa mga post ko. i appreciate that. hahaha


drahcir

Tuesday, February 17, 2009

love

dahil buwan ng mga puso ngayon, magppost ako ng tungkol sa mga napagtanto ko kanina. kanina kasi ay meron kaming maliit na pagtitipon ulit sa isang coffee shop dito sa antipolo. at siyempre, hindi mawawala sa topic namin ang love.. what is love nga ba? hmm.. kayo nalang ang mag define sa sarili niyo dahil meron tayong kanya kanyang definition nito.. so paano nga ba tayo magmamahal ng ibang tao kagaya ng pagmamahal sa atin ni God?

1. love unconditionally- mahal tayo ni God kahit anong klase ng tao pa tayo. alam niyo naman siguro yun. kapag may mahal tayo, kahit sino pa yan, boipren mo, nanay mo , tatay mo, etc. we should love them on who they are.huwag nating lagyan ng limit or standard kung magmamahal tayo. we should love each other.. so i love you.


2. serve sacrificially- yes, "sacrifice". kailangan talaga yan para maipakita mo na nagccare ka sa taong yun.. kung sino man siya. hindi mapapatunayan through words ang "i love you". kailangan din natin ng action tapos may kasamang pagsabi ng i love you sa huli. haha pero huwag natin ibigay ang bagay na wala tayo. chill. Jesus sacrificed for us, died on the cross just to show how He loves us.

3. forgive completely- yun. self explanatory. kailangan natin pagbigyan ang mga taong nagkasala sa atin. mahirap kalimutan, ganun talaga. haha yun lang ang masasabi ko dito.


so ayan ang mga natutunan ko kanina. based yan sa aking pagkaka intindi ha. sana may natutunan din kayo sa entry na toh.

kaya ikaw. sana nababasa mo toh.. mahal na mahal kita.. kahit alam kong hanggang dito lang tayo.. yii!! hahaha joke time!


drahcir

Saturday, February 14, 2009

JS prom

February 13, 2009, yup kagabi. naging matagumpay naman ito. kahit naabutan kami ng traffic, on time padin kami dumating. pagdating namin sa venue. picture picture muna. makalipas ang 15 minuto ay nagsimula na ang program. introduction, so kailangan namin magpunta sa harap para ma-introduce. tapos tuloy tuloy na ang program. at ito ay successful!

mga pinapasalamatan ko:

si God- dahil sa guidance na binigay niya sa akin.

si ate ning- dahil pumayag na maging prom date ko.. at sa mga advices na binigay niya sa akin. best ate. :))

tita hans- na pumayag na maging prom date ko si ate ning.

si mang bien- for sharing his driving skills. and helped me to clean the car.

toyota corolla 1.6 GLi- you did well. :)

my tito- dahil sa pag hiram ng kanyang neck tie at nagbigay ng allowance

my mom- sa pagbayad ng prom. :)


...

drahcir

Thursday, February 5, 2009

prom date. wanted?

kay bilis ng panahon. next week na ang prom namin. madami na akong hinahanda at inaayos. ngunit madami padin akong di naayos. tulad ng sapatos ko. butas ang sapatos ko at hindi ko padin eto nagagawan ng paraan. ayoko naman bumili ng bago dahil masyado etong mahal at panandaliaan ko lang yun magagamit. baka sumikip. sayang. baka sa graduation na ako bumili. so ano pa ba? prom date... uhmm.. oo may prom date naman na akong nakuha. ngunit may problema ako. hindi na siya nagrerely sa mga text ko. kaya hindi ko alam kung tuloy pa siya o hindi. kung mawalan man ako ng prom date, ok lang. muka lang akong tanga sa entrance. pero ok lang. araw araw naman e. haha

so sana by next week mafinalize ko na lahat para ok na. sana lang... haha


drahcir