Thursday, May 28, 2009
i suck.
kanina, habang ako'y nagmamaneho. nag uusap kami ng aking ina tungkol sa aking driving skills. sabi niya, "hindi ka pa swabe magmaneho, yan muna ang ipractice mo." ako naman si anak na nakinig. syempre unang naisip ko dun is paliko, tama nga naman nanay ko. medyo malikot pa mga turns ko lalo na sa mga sharp curves, medyo mabilis at biglaan ako pag lumiko, tipong pang action movie ba. haha nag eenjoy kasi ako sa ganon ewan ko kung bakit. delikado daw kasi yung ganung klaseng pagliko at nakakahilo daw. after nun ay napadaan ako sa isang 28 to 30 degree inclined road, e biglang nagfull stop ang kotseng nasa harap ko so no choice ako kundi mag full stop na din. so i challenged myself to do the hanging. ang term na hanging sa mga drivers ay ang coordination ng clutch at gas para naka tigil padin ang sasakyan nang hindi ginagamitan ng preno. but i failed! namatayan ako ng makina and that was bullshit. naalala ko ang sabi sakin ng instructor ko sa driving school na kapag magaling na daw sa hanging, pwede na daw isabak sa kahit anong klase ng traffic. siguro ngayon kailangan ko na ipractice ang hanging. sa maia alta. hahahaha pagdating naman sa heavy traffic, nakakasabay naman ako. hanging lang talaga. so yun. share ko lang 'to lalo na sa mga nagbabalak mag aral ng driving, na hanging ang pinakamahirap na part sa pagmamaneho.
Sunday, May 24, 2009
room for rent.
napag isip isip ko na magdorm ngayon. dahil narealize ko na magssuffer ang ibang subjects ko pag nag uwian ako. tulad nalang ng drawing. naalala ko na may ganun pala akong subject. so kung mag uuwian ako, baka mawalan na ako ng time sa pag gawa ng mga template ko. syempre hindi lang naman yon ang subject ko. pero parang gusto ko din magtry ng uwian para hardcore. siguro sa 1st week mag uuwian muna ako. para dagdag experience din. naghanap hanap kami kanina ng nanay ko sa dyaryo ng matutuluyan, meron naman kaming nahanap. yun nga lang sana affordable. malapit sa sm e walking distance lang yun sa school ko. lapit pa sa runway. kitang kita yung mga nagttake-off na eroplano. hehe
yun lang. share ko lang at humihingi ng payo. comment nalang kayo sa cbox. salamat
drahcir
yun lang. share ko lang at humihingi ng payo. comment nalang kayo sa cbox. salamat
drahcir
Sunday, May 17, 2009
pasensya na ulit at medyo nalate nanaman ang post. dahil lamang ito sa sa aking pagiging abala sa mga bagay bagay. nitong nakalipas na weekend, nagbakasyon kami buong pamilya sa subic. medyo may pagbabago lang simula nung huling punta ko doon. ang pinaka gusto ko ay ang daanan papuntang subic, ang SCTEX. dahil sa makinis nitong kalsada. at maganda ang view. para kang nasa states. hahaha meron akong mga pics na iuupload sa aking multiply. post ko nalang kung may oras. osige, medyo busy pa. haha next time nalang ang ibang istorya.
drahcir
drahcir
Saturday, May 9, 2009
mother's day special.
siyempre, hindi pwedeng mawalang ng mga special posts 'tong blog ko. so ngayon ay isa sa mga mahahalagang araw para sa mga nanay natin. ngayong araw na ito h'wag muna intindihin ang mga syota at huwag bigyan ng sakit ng ulo si inay. isang magandang regalo nadin ito para sa ating mga magulang. o di kaya, pag pahingain muna siya at pumalit sa mga gawain niya. tiyak yun matutuwa ang ating mga nanay nun. pwede din na pudpudin natin sa halik at yakap at sabay sabi ng happy mother's day. wala kasi nanay ko e, sa martes pa ang balik so ang ginawa ko nalang ay nag email lang ako. di pa nga nagrereply e. haha o well, bawi nalang pag uwi niya. happy mother's day sa mga nanay niyo. masaya tayong lahat dito! hahaha
drahcir
drahcir
Wednesday, May 6, 2009
sorry.
pagpasensyahan niyo na at medyo natagalan ulit bago ako nakapag post. medyo busy lang ako itong mga nakalipas na araw. hindi bagay noh? pero totoo. hahaha medyo update lang tayo konti.. ok, nabanggit ko sa nakaraang blog entry ko ay di ako nakakuha ng lisensya. last monday, e medyo sinwerte na ako , nakuha ko na ang bagay na inaasam ko makuha, ang aking student license. so ngayon, medyo di ko pa magamit dahil hinihintay ko pa ang aking nanay na umuwi. hindi ko alam kung bakit hihintayin pa e masyado na ako excited humawak ng manibela at umapak ng silinyador. ewan! haha
so yun pa naman ang nababago sakin.
drahcir
so yun pa naman ang nababago sakin.
drahcir
Subscribe to:
Comments (Atom)