yes. ito nanaman ang isang kabanata ng aking blog. ito ay tungkol sa friendster. ano nga ba ang friendster para sa sa inyo? sa akin? para sa akin, ang friendster ay isang instrumentong tumutulong sa atin sa mundo ng sosyalismo. isa 'to sa nagpapalapit sa atin sa mga mahal natin sa buhay na malalayo sa ating tahanan. ngunit sa iba, ang friendster ay pampalipas oras lamang dahil sa nakakabighani nitong features (anu ba tagalog nito?). at dito nagsisimula ang pagkalulong dito. pero WHAT THE FUCK??!! naisip ba nila ang mga oras na sinasayang nila na imbis na may ginagawa silang kabuluhan e dito nauubos ang kanilang mahahalagang panahon? pero aaminin ko, isa ako sa mga tinutukoy ko. isa ako sa mga sinasayang ang oras sa friendster.. haha pero ba't ko ba tinatalakay ito? dahil sa mga nanghihinayang at napraning sa kanilang mga friendster account. una sa lahat, bumalik na at naayos na ata ang friendster. at ngayon, dito na pumapasok ang sinasabi kong "mga nasasayang na oras dahil sa friendster". dahil napag isip isip ko na hindi naman ito nakakapanghinayang kung hindi ito napag-aksayahan ng oras o hindi masyadong binigyang importansya. hindi masama ang gumamit ng mga ganitong klase ng libangan, sa totoo nga ay tinutulungan tayo nito. ngunit pag masyado na tayong nalululong dito ay hindi na nakakabuti sa atin. ito ay isa lamang opinyon ko. dahil trip ko lang. wala lang. :))
-drahcir
Monday, November 17, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment