Friday, November 21, 2008

birdie..


hahaha. wala lang, nakyutan lang ako sa ibon sa bacolod. akala ko kase nung una e pare-paraehas ang ibon na tinatawag na maya sa pilipinas. dahil ang natural na maya dito sa maynila ay yung kulay brown na may kabilugan ang hugis, magaspang ang balahibo at ang maikli nitong buntot. pagdating ko sa bacolod, hindi ko kaagad napansin ang mga ibon na ito. saka ko lang nalaman na iba ang itsura nito nung pauwi na kami ng maynila. habang ako'y nakatulala sa magandang tanawin, may biglang dumapo na ibon sa may bintana. nung una ay di ko pinansin dahil ang alam ko ay parang ibon lang yan dito sa maynila. ngunit nung napatingin ako sa ibon ay napansin ko na ito ay naiiba sa ibon sa maynila. ito ay kulay itim at puti, pahaba ang hugis at mahaba ang buntot. kabaliktaran ito ng maya dito sa atin. alam kong hindi niyo maapreciate yan sa picture dahil sa malabo nitong paglalarawan ngunit nakakabighani ito pag nakita niyo na talaga. ewan ko lang, pero ako kase naigno ako e. haha

-drahcir

No comments: