magandang gabi sa inyo. pagpasensyahan niyo na dahil medyo tamad ako ngayon. dahil lang siguro sa kabagutan dito sa bahay. pero ewan, nakakaramdam ako ng mood swing ngayon. kase talaga, dapat pupunta ako ng trinoma para manood ng twilight. e as usual, wala nanaman pera. kaya yun. naisipan ko nalang tumambay dito sa bahay. nung umaga e nagbonding lang kami ng aking nanay. nag usap. napasok sa usapan namin ang twilight. kase kahapon ay reunion nila ng mga kaklase niya noong high sa trinoma. kaya alam niya din ang twilight dahil sa mga kaklase niyang cute. so napagplanuhan namin na manood nalang kaming dalawa since gusto niya din manood nun. napag usapan din namin yung tungkol sa reunion. syempre ako naman si ignorante na na curious kaya nagtanong ako kung ano ang pakiramdam ng nag rereunion. ang sabi ng aking ina sa akin ay exciting daw dahil syempre parang gusto mo malaman kung ano nagbago sa mga kaibigan mo o kaklase. knwento niya din sa akin ang status ng kanyang mga kaklase. sabi niya din sa akin, kung sino pa daw yung mga habulin ng mga lalaki noong high school ay siya daw ang matandang dalaga ngayon. tapos meron din daw yung mga may dating noong high school ay siyang kabaliktaran ngayon pero meron padin daw na hindi nagbabago. tapos kung sino pa daw yung mga hindi masyadong sinwerte pag dating sa grades noong high school ay asesnso na ngayon. napansin ko lang na talagang bumaliktad ang mundo sa batch nila. kaya pati ako ay na excite. anu kaya mangyayari sa batch namin pag nag reunion na? haha may magbabago kaya?
eto naman. pagkatapos namin magkwentuhan ay naisipan kong sumunod sa trinoma. pero antatagal nila magreply kaya tinamad nadin ako. kaya nanood nalang ako ng saw 5. medyo nalabuan lang ako sa kwento. kaya eto ako ngayon. nag iisip ng isusulat sa blog. pero wala akong maisip kaya hanggang dito nalang. sa uulitin
-drahcir
Saturday, November 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment