Monday, December 8, 2008

magandang gabi. nakaranas nanaman ako ng joyride kasama ang aking ina. kanina kase, madami kaming pinuntahan. una, nagbayad kame ng mga dapat bayaran. tapos di inaasahan, napunta kami ng paranaque. habang binabaybay namin ang baku-bakong daan papuntang paranaque, ay nag usap nanaman kami tungkol sa pagttrabaho. hindi ko alam kung paano napasok sa usapan namin ito. pinayuan niya lang ako since malapit na ako magcollege. (tanungin niyo nalang ako kung gusto niyo malaman ang pinayo niya) napaisip ako bigla kung paano ako didiskarte sa kolehiyo, at siyempre kung paano ako makikisalimuha sa mga tao dito. nang nakarating na kami sa isang kolehiyo ng eronotika sa paranaque ay inobserbahan ko ang paaralan. sa tingin ko, kung dun ako mag-aaral ay titino ako. dahil una, payapa ang lugar at malayo ito sa tukso. kaya naisipan ko nadin na doon mag aral. ngunit hindi padin ako makapag-desisyon kung anong kurso ang kukunin ko doon. at ang ikalawang problema ko, kung doon ako mag aaral ay hindi ko alam kung ako ay uupa ng kwarto doon o magccommute nalang ako mula dito sa bahay. dahil mukang kaya ko naman pag uwian araw araw. kayo? ano sa tingin niyo? tulungan niyo naman ako magdesisyon. haha

ayan lang muna ang mailalagay ko. abangan nalang ang iba pang kabanata ng adventures ko..

-drahcir

No comments: