kahapon ay nagkaroon kami ng isang pagtitipon tipon sa isang resort. ngunit hindi padin kami kumpleto dahil siguro ay may mga lakad. bago kami nakadating sa resort ay nagkita muna kami ng mga kaibigan ko ngunit bago pa dun ay nagbayad muna ako ng aming bill sa tubig dahil due date na. madaming tao sa loob ng banko, nagbabayad ng kanya kanyang bill, nagwiwithdraw, deposit. medyo natagalan din ako dahil sa mahabang pila. pagkatapos nun ay bumalik na ko sa meeting place at nakita ko na ang isa kong kaibigan. ngunit may kailangan pa kami hintayin. mag iisang oras na mula sa tinakdang call time ay fuck wala padin. makalipas ang ilang minuto ay nakadating din. nung siya'y nakadating ay pumunta na kami sa resort. malupit ung tricycle na sinakyan namin. dahil kahit anung tarik ang inakyat namin ay kinaya nia. tinanong ko sa driver kung ilan taon na yung motor nia. at ang sagot niya ay sampu. kung susuriin mo mabuti e masyado ng matanda ang tricycle niya para umakyat sa ganun katarik. so yun, pumunta na kami sa cottage. pag dating dun, kanya kanyang trip. may nagsswimming, may nagkkwentuhan, may nagyyosi. pag sapit ng gabi, ay nagsimbang gabi na kami. tapos kumain at bumalik sa resort. pagbalik ay sinimulan na ang bonding. pero hindi as a batch, kundi kanya kanyang grupo. merong lovers at merong magbabarkada. nagsaya ang lahat hanggang inabot ng madaling araw. pagkatapos nun ay nakatulog ang iba. pero siyempre meron ding matitikas na hindi natulog. lima ata kami o anim. tapos nag usap usap kami hanggang umaga. at dun. pagkagising ng lahat ay kanya kanyang ayos ng gamit. tinulungan ko din ang isa kong kyoot na kaibigan para linisin ang kalat na ginawa niya. pagkatapos nun ay umuwi nadin ako. pag uwi ko, ay natulog nalang ako. maghapon akong nakatulog. eto ngayon, kakagising ko lang. sana hindi masira ang sleeping pattern ko. haay..
-drahcir
Thursday, December 18, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment