Saturday, January 24, 2009

nang biglang..

isang linggong paghihirap. ako'y nangitim, nasugatan, napagod. ngunit madami din akong natutunan. yan ang mga naramdaman at naranasan ko sa aming camping nung tuesday hanggang thursday. monday palang ay naghahanda na kami ng aming dadalhin, aming skit, stomping at cheering. kinabukasan ay ang aming camp na. bago kami umalis ay nagkaroon lang ng konting problema. pero nalutas din naman namin kaya ok lang. pagdating namin sa camp site, nagsimula na kami ng aming mga activities hanggang 3rd day. kaya siguro kami nangitim dahil sa aming orienteering dahil napaka init talaga. as in babad ng ilang oras tas tatakbo pa. sokma talaga.

so medyo forward na tayo. kahapon, ay ang aming rest day. pero hindi siya rest day para sa akin dahil may inasikaso nanaman ako. umaga palang sinamahan ko ang nanay ko sa ortigas tapos nagpacheck up ako ng mata. nung una ay kinakabahan pa ako dahil baka may makitang mali sa mata ko. ngunit kaya lang pala siya namumula ay dahil babad lang sa araw. pero normal padin at walang problema. kaya kung makikita niyo ako madalas sa initan ay lagi akong may suot na shades. payo sa akin ng doktor yun. kung gusto ko pa daw pumuti ung mata ko, huwag daw ako magbabad sa araw o kung magbabad man, dapat laging may shades. so after ko magpacheck up ng mata ay naghiwalay na kami ng aking nanay. dahil may pinuntahan pa ako. sa trinoma. pumunta ako dun dahil may inasikaso din akong mahalagang bagay. pagkatapos nun, umuwi na ako. siguro mga 10 ng gabi nadin ako naka uwi dahil sa traffic at mahabang pila. kase natyempohan ko ang uwian e.

forward pa tayo ng konte.

kanina, i'm sad. kase umalis nanaman ang nanay ko papunta ng ibang bansa. kaya hindi ako nakapag futsal dahil hinatid namin siya. so ayun, wala nanaman akong kachikahan dito sa bahay. matagal nanam siya uuwi.

kaya eto ako ngayon. pagod na pagod.. ngayon palang ako magpapahinga. -.-

-drahcir

No comments: