taon taon ay nakagawian na ng iba sa atin ang pagkakaroon ng new year's resolution. nilalaman ito ng mga bagay bagay na gusto nating baguhin. ako, bihira ko lang gawin ang new year's resolution. dahil alam kong may ugali akong tinatawag na "ningas kugon". ang ibig sabihin nito ay sa simula lang sinsipag, pag dating sa huli ay tinatamad na gawin. ganun ako. kaya simula nung napansin ko yung ugali na yun ay tinigil ko na ang pag gawa ng new year's resolutions. kaya ang gagawin ko nalang ngayon ay pasalamatan ang mga taong dapat pasalamatan.
1. si Lord- na walang sawang nagbibigay ng blessings sa akin lagi.
2. ang mga magulang ko:
2a: si mama- na laging sumusuporta sa akin at nagluluto ng ulam naming lahat. atbp.
2b: si tito roger- na nagtuturo sakin ng math pag di ko alam. tska bumibili ng ulam namin. atbp.
3. ang kapatid ko: na ubod ng kulit
4. ang mga kaibigan ko: na nagpapautang sa akin sa oras ng kagipitan. at laging nanjan pag may problema ako. atbp.
5. mga guro: na nagttyagang magturo sa akin kahit hirap akong umintindi.
6. at ikaw: dahil sa pag bisita sa blog ko :)
madami pa akong hindi nabanggit. madami kasi sila masyado e. pero ayan. para sa mga di ko nabanggit.. salamat nadin! salamat sa memories na iniwan niyo nung previous years. sana keep in touch padin tayo hanggang sa mga susunod pa na taon. ok too much for that. masyado nang madrama. haha pero syempre bagong taon kailangan din ng mga konting pag babago sa buhay para maiba naman. pero sa akin nalang yun. nakakahiya ishare eh. haha
sana maganda ang pasok ng taon sa atin. para cute.
-drahcir
Friday, January 2, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment