Friday, March 20, 2009

the graduation

babala: paki pause ang kanta sa rock 'n' roll na matatagpuan sa kanang bahagi ng blog at paki play ang kanta sa baba ng blog entry na 'to habang binabasa ang aking post para sa drama effect.


ngayong nagtapos na ako ng high school, pinapasalamatan ko ang akong magulang, mga kaibigan, at mga guro sa lahat ng nagawa nila sa akin. ngayon ang araw na nakuha ko na ang aking diploma. so 13:00 palang ang nasa eskwelahan na ako. di ko alam siguro na excite lang ako. pagdating doon ay pumila ako para sa picture taking. dahil sa sobrang aga ko, number 3 ako sa pila. pagkatapos nun ay dumating na ang mga kaibigan ko. saktong 15:00 nagsimula ang program. may altar at mga bulaklak sa harap dahil may misang naganap. matapos nun ay nagsimula na ang programa. ang iba sa amin ay naiyak. di ko alam kung labis sa tuwa dahil sa achievements o nakaramdam ng lungkot dahil maghihiwawalay na ang magkakaibigan. sabagay, ako din nakaramdam ng lungkot at tuwa nung mga oras na yun. nalungkot ako dahil, di ko na makakasama ang mga kaibigan ko na tinuri ko ng kapatid, di ko na maririnig ang mga sermon, lecture at payo ng aking mga guro na tinuri ko nadin magulang.. at ang eskwelahan na tinuri ko nading tahanan. mamimiss ko ang aking batch... ang batche. masaya naman ako dahil nalampasan ko na ang high school, at makakamit ko na din ang onting freedom. at medyo na-eexcite ako dahil masusubukan ko na din ang buhay sa kolehiyo. masusubukan ko na malayo sa aking pamilya at mga kaibigan. makikisalumuha nanaman ako sa mga bagong mukha. so ayun lang ang masasabi ko. mahal na mahal ko ang batche.

para sa special someone ko: ngayong graduate na tayo, pinapasalamatan kita sa lahat. at siyempre sorry na din sa mga nagawa ko sa'yo na hindi mo nagustuhan. alam kong di mo na mabibilang sa dami. kahit hindi tayo bonded masyado, mananatili sa alaala ko ang mga oras na magkasama tayo at sabay umuwi. ngayong di na kita masyadong makikita, h'wag mong papabayaan ang sarili mo. mahal na mahal kita. kahit alam kong hanggang dito lang ako. sana nababasa mo 'to.


drahcir



eto ang aming grad song.


True Friends - Airto

No comments: