Saturday, March 7, 2009

aray! pinipimpols ako.

pag ka gising ko kaninang umaga, naisipan kong mag laro ng basketball dito sa aming subdivision. di ko alam, sinipag lang siguro ako. pag dating ko sa court, nakita ko itong high school student na nagbabasketball. pero nung nakita ko siya, parang nasabi ko sa sarili ko na madami ka pang bigas na dapat kainin. yabang ko noh? so ayun, medyo pormado siya kasi nakasapatos siya samantalang ako naka tsinelas lang. sinimulan ko na ang paglalaro. medyo nagpa impress ako, lay-up dito lay-up doon, shoot dito, shoot doon. tapos konting drible ng bola. afterwards, tinawag niya ako. laro daw ng two on two. di ko pala nabanggit na may nanonood samin kaya umiral din ang yabang ko. hahaha
kumuha ako ng kakampi ko. then we started the game. habang ako'y naglalaro napapansin ko na ako'y nangangalawang na pala sa larong basketball. bumabagal, humina ang pick-up. dahil siguro hindi na ako masyado naglalaro nito. nung natapos ang aming laro, tinanong niya ako kung anong year ko na daw. siyempre medyo shy pa ako kase mukha siyang matured e. sabi ko 4th year (*shy type voice). tapos tinanong ko siya. tapos ako'y nashock nung sinabi niyang 1st year high school siya. kasi malakas na siya para sa level niya. kaya yung yabang ko naging hiya.

natutunan ko ngayon na dapat mauna ang laro bago ang yabang. hahaha
dapat din imaintain ang talento na ipinagkaloob sa akin kasi sayang naman. kasi pag tinamad na ako, tamad na talaga. kaya ayun.

ang hindi ko alam, kateam ko pala siya dito woodrow. team woodrow din pala siya. haha

drahcir

No comments: