oh yeah.. isa nanamang boring na blog post mula sa akin....
ngayong araw ay may nabago sa akin.. yun ay ang aking buhok. it's sooo short! parang long hair na kalbo. hindi ko alam kung bakit pero natripan ko magpagupit. dahil siguro mainit? ewan. yun, kanina pagkatapos ng aming training sa basketball ay umuwi ako para magbihis para magpagupit. then, pag dating ko dun medyo naghintay ako kase kakabukas lang nung pagupitan. di naman ako excited e noh? tska wala pa daw yung nag gugupit sa akin. meron kasi ako dun sariling hair dresser e. hahaha then, nung nainip yung mga tao dun dahil may nakapila pa bukod sa akin, napilitan mag gupit yung bagong mang gugupit dun. ayun. nalaman ko nalang na kaya pala parang bulbol yung buhok ko kasi ito ay damaged na. tinanong niya ako kung nagparelax daw ako. kung naaalala niyo pa, diba nagparelax ako noon? yun daw yung dahilan nung pag kasira ng buhok ko. after 6 years ng pagsusuri kung bakit ganun ang buhok ko, sa wakas nalaman ko na din. ayun. medyo natagalan din sa pag gupit. then pagkatapos ko magpagupit pumunta ako sa isang supermarket na malapit lang sa pinag-gupitan ko para mag food trip tska nagtanong nadin ako kung magkano ang battery ng celphone. nasira kase e. ayun, madami akong nakitang schoolmates. tapos nun ay nauwi na ako ng bahay. bow
napansin ko lang sa ibang nagbabaskeball, bakit kaya sila nagsusuot ng t-shirt then may jersey pa na nakapatong? hmm.. pakisagot naman.
drahcir
Sunday, March 15, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment