and yeah, pumasok na ako kanina ng bonggang bongga. unang araw ng klase. gumising ako ng 3.30 actually di na ako nakatulog. hindi ko alam kung dahil sa excitement or kinakabahan lang talaga ako. umalis ako ng bahay ng madaling araw, mabilis lang ang byahe pag umaga. yun nga lang talagang napakalayo lang talaga. nakadating ako sa skul ng 6 am. pag dating ko dun ay napakarami na ng mga tao. makikita mo sa mga estudyante kung sino ang mayayaman, at yung may kaya. malalaman mo din kung sino ang mga freshmen at mga tumagal sa pagiging freshmen. mahaba ang pila sa gate, kaya nagkaroon ng pila dahil nagkaroon ng hand dis-infecting sa may main gate ng campus, mag lalagay ka ng hand sanitizer sa kamay. pagkatapos nun, pasok na ko hinanap ko na ang classroom ko. at ito ay matatagpuan sa 3rd floor. 8 am to 12 noon ang klase ko pag monday, wednesday at friday. 7 am to 5pm naman sa tuesday at thursday. kanina ay hindi pa kami nag simula ng aming klase. halos lahat ng aking prof ay nag require at nag sabi lang ng mga conditions. kaya medyo tambay mode kami kanina. share ko lang. hehe :)
drahcir
Monday, June 15, 2009
Sunday, June 14, 2009
Monday, June 8, 2009
yeah. magandang gabi. masaya ba kayo? dahil walang pasok? hahaha o badtrip dahil walang pasok? ako din e, dapat may pasok na ako ngayon. e since dineklara ng CHED na mamomove yung classes. ang dating june 8 ay namove sa 15 dahil daw ito sa lumalalang h1n1 virus, flood o pagbabaha at problemang pang-pinansyal para sa ibang mga mag aaral. excited pa naman ako pumasok dahil sa mahabang paglalakbay araw araw mula antipolo hanggang paranaque. oo tama ang nabasa mo aaraw arawin ko yun. sana kayanin ko. kung hindi man, meron naman akong plan B. haha pero parang mas exciting kasi ang bumabyahe araw araw e. madaming experinces sa araw araw. para sa hindi pa nakakaalam, ako po ay papasok sa patts college of aeronautics. ako po ay mag aaral ng aircraft maintanance technology. balak ko kasi mekaniko ng eroplano at mag piloto. so ayun. sana matapos ko 'tong course na 'toh. goodluck satin lahat! :)
drahcir
drahcir
Subscribe to:
Comments (Atom)