and yeah, pumasok na ako kanina ng bonggang bongga. unang araw ng klase. gumising ako ng 3.30 actually di na ako nakatulog. hindi ko alam kung dahil sa excitement or kinakabahan lang talaga ako. umalis ako ng bahay ng madaling araw, mabilis lang ang byahe pag umaga. yun nga lang talagang napakalayo lang talaga. nakadating ako sa skul ng 6 am. pag dating ko dun ay napakarami na ng mga tao. makikita mo sa mga estudyante kung sino ang mayayaman, at yung may kaya. malalaman mo din kung sino ang mga freshmen at mga tumagal sa pagiging freshmen. mahaba ang pila sa gate, kaya nagkaroon ng pila dahil nagkaroon ng hand dis-infecting sa may main gate ng campus, mag lalagay ka ng hand sanitizer sa kamay. pagkatapos nun, pasok na ko hinanap ko na ang classroom ko. at ito ay matatagpuan sa 3rd floor. 8 am to 12 noon ang klase ko pag monday, wednesday at friday. 7 am to 5pm naman sa tuesday at thursday. kanina ay hindi pa kami nag simula ng aming klase. halos lahat ng aking prof ay nag require at nag sabi lang ng mga conditions. kaya medyo tambay mode kami kanina. share ko lang. hehe :)
drahcir
Monday, June 15, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment