Monday, December 29, 2008

paint my love.. you should paint my love.

etats.



Bagay na bagay 'tong post ko ngayon sa title ko. manigong bagong taon sa inyo mga kapatid. wala akong pera ngayong bakasyon. kaya hindi ako sumasama sa mga gala ng mga kaibigan ko. kaya tnry ko magside line. at ito ay pagpipintura ng bahay. medyo malaki din ang kikitain ko pag natapos na ang trabaho ko. yun nga lang, bago makamit inaasam asam na salapi, kailangan ko muna maghirap, madungisan, mapagod. yun ang pangit na part doon. pero nung natapos ko na yung isang part at nakita ko na ang nagawa ko. ang gaan sa pakiramdam. kumbaga sa lahat lahat ng pagod ko ay may naidulot na maganda. ang pakla. haha sana matapos ko na yun bago mag pasukan para may maipon naman ako.

inuulit ko ang ang pagbati, happy new year sa inyo. ingat ingat lang tayo sa ating paglalakad sa labas, baka mamaya di mo namamalayan, may picolo ka na pala sa paa. :))


-drahcir










Thursday, December 25, 2008

maligayang pasko!

bago matapos ang araw na 'to, isang masaganang pagbati ng merry christmas muna mula sa mangmang walang makalikot. kumusta naman ang handaan niyo? dapat lang na maging masaya tayong lahat dahil isang beses sa isang taon lang 'to. kalimutan muna ang mga hinanakit at mga problema. sa enero niyo na ulit yun isipin. may new year pa! tiyak yan may handaan, inuman, at kung anu anu pang kasiyahan. pero siyempre kailangan lang natin ng konting pag iingat. baka tayo maputukan. maligayang pasko!

-drahcir

Sunday, December 21, 2008

cars of the fututre..


naisip mo na ba kung ano ang magiging itsura ng Pilipinas makalipas ang 20 taon? naisip mo na din ba ang mga gusali, mga ugali ng tao lalo na ang mga kotse pagkatapos ng 20 na taon? yang picture na nakikita niyo sa taas, yan ang pinag aaralan ngayon ng mga mananaliksik mula sa Volkswagen. kung titignan natin ang mga ito ay para lang silang mga laruan o VHS rewinder. naalala niyo pa ba yun? ngunit madami din itong nakakabaghani at hindi kapanipaniwalang katangian. tulad nalang ng auto-pilot. ayon sa aking nabasa tungkol jan, ang mga kotse daw na yan ay may kakayahan umandar mag isa, mag-park ng kusa. ang pag ilaw ng headlights nito ay iba iba din ang hugis. depende sa mood ng nagmamaneho. meron galit, malungkot, masaya, nalilibu... yon.. madami pa itong features. kaso hindi naman ako binabayaran para iplug 'to. nashare ko lang naman siya. kase nabasa ko eto kahapon. hahaha

-drahcir


source:
http://media.volkswagen2028.com/etc/medialib/vwcms/virtualmaster/vw2028/flash.Par.0005.File.html

Thursday, December 18, 2008

partey!

kahapon ay nagkaroon kami ng isang pagtitipon tipon sa isang resort. ngunit hindi padin kami kumpleto dahil siguro ay may mga lakad. bago kami nakadating sa resort ay nagkita muna kami ng mga kaibigan ko ngunit bago pa dun ay nagbayad muna ako ng aming bill sa tubig dahil due date na. madaming tao sa loob ng banko, nagbabayad ng kanya kanyang bill, nagwiwithdraw, deposit. medyo natagalan din ako dahil sa mahabang pila. pagkatapos nun ay bumalik na ko sa meeting place at nakita ko na ang isa kong kaibigan. ngunit may kailangan pa kami hintayin. mag iisang oras na mula sa tinakdang call time ay fuck wala padin. makalipas ang ilang minuto ay nakadating din. nung siya'y nakadating ay pumunta na kami sa resort. malupit ung tricycle na sinakyan namin. dahil kahit anung tarik ang inakyat namin ay kinaya nia. tinanong ko sa driver kung ilan taon na yung motor nia. at ang sagot niya ay sampu. kung susuriin mo mabuti e masyado ng matanda ang tricycle niya para umakyat sa ganun katarik. so yun, pumunta na kami sa cottage. pag dating dun, kanya kanyang trip. may nagsswimming, may nagkkwentuhan, may nagyyosi. pag sapit ng gabi, ay nagsimbang gabi na kami. tapos kumain at bumalik sa resort. pagbalik ay sinimulan na ang bonding. pero hindi as a batch, kundi kanya kanyang grupo. merong lovers at merong magbabarkada. nagsaya ang lahat hanggang inabot ng madaling araw. pagkatapos nun ay nakatulog ang iba. pero siyempre meron ding matitikas na hindi natulog. lima ata kami o anim. tapos nag usap usap kami hanggang umaga. at dun. pagkagising ng lahat ay kanya kanyang ayos ng gamit. tinulungan ko din ang isa kong kyoot na kaibigan para linisin ang kalat na ginawa niya. pagkatapos nun ay umuwi nadin ako. pag uwi ko, ay natulog nalang ako. maghapon akong nakatulog. eto ngayon, kakagising ko lang. sana hindi masira ang sleeping pattern ko. haay..


-drahcir

Friday, December 12, 2008

whoo!

yeh! natapos nadin ang tatlong araw ng pahihinagpis. bakasyon na! advanced merry christmas at manigong new year sainyo! ayun lang. enjoy! :D

Monday, December 8, 2008

magandang gabi. nakaranas nanaman ako ng joyride kasama ang aking ina. kanina kase, madami kaming pinuntahan. una, nagbayad kame ng mga dapat bayaran. tapos di inaasahan, napunta kami ng paranaque. habang binabaybay namin ang baku-bakong daan papuntang paranaque, ay nag usap nanaman kami tungkol sa pagttrabaho. hindi ko alam kung paano napasok sa usapan namin ito. pinayuan niya lang ako since malapit na ako magcollege. (tanungin niyo nalang ako kung gusto niyo malaman ang pinayo niya) napaisip ako bigla kung paano ako didiskarte sa kolehiyo, at siyempre kung paano ako makikisalimuha sa mga tao dito. nang nakarating na kami sa isang kolehiyo ng eronotika sa paranaque ay inobserbahan ko ang paaralan. sa tingin ko, kung dun ako mag-aaral ay titino ako. dahil una, payapa ang lugar at malayo ito sa tukso. kaya naisipan ko nadin na doon mag aral. ngunit hindi padin ako makapag-desisyon kung anong kurso ang kukunin ko doon. at ang ikalawang problema ko, kung doon ako mag aaral ay hindi ko alam kung ako ay uupa ng kwarto doon o magccommute nalang ako mula dito sa bahay. dahil mukang kaya ko naman pag uwian araw araw. kayo? ano sa tingin niyo? tulungan niyo naman ako magdesisyon. haha

ayan lang muna ang mailalagay ko. abangan nalang ang iba pang kabanata ng adventures ko..

-drahcir

Wednesday, December 3, 2008

weeew.. pagkatapos ng tatlong araw ng paghihinagpis, nawawala nadin ang sakit at kirot sa bagang ko. yehey! tatlong araw din akong hindi kumain ng kanin at ulam. nagtiyaga ako sa noodles. kaya ngayon. kaya ko na lumamon ng kanin. masakit padin pero nattolerate ko na. sana gumaling na siya talaga. ayun lang muna mappost ko. medyo batugan ako ngayon e.