pagkatapos ng klase.. nakagawian na namin ang tumambay sa school, pumunta sa tindahan at manigarilyo habang umiinom ng malamig na coke. pero kanina, medyo nag iba ang lakad namin kahit na ginawa pa din namin ang bagay na yun. pag katapos namin pumunta ng tindahan ay pumunta kami sa isang coffee shop dito sa antipolo. nakipag tagpo kami kay kuya third. actually paul talaga yung name niya, kaya lang daw naging third kasi madami na daw paul ayon sa aking narinig. nakalimutan ko na kung bakit third. so ayun. usap usap. nag bible study. napag usapan din namin ang tungkol sa mga kasalanan. tska, narealize ko din na napaka bait talaga ni God dahil siya mismo ang gumawa ng way para mabayaran ang mga kasalanan natin na dapat nating pasalamatan dahil regalo Niya sa atin ito. salvation is a gift given to us by God.. for us to enjoy eternal life ika nga ni mr. sesaryo. so be thankful. siguro yun muna ang masshare ko. balik tayo sa sin. siguro para sa akin, isa na sa mga kasalanan ko ang paninigarilyo. ayan, para sa mga di pa nakaka alam. oo, naninigarilyo ako. happy now? haha kaya ko nasabi yun dahil una, para ko na din sinusuway ang magulang ko. hindi pala parang, sinusuway na talaga. pangalawa, sinisira ko ang katawan ko na ipinahiram lang sa akin. ikatlo, pera ng magulang ko ang winawaldas ko. kaya wala akong karapatang mag bisyo.
aminado ako na hindi ko agad matitigil yang bagay na yan. pero sana balang araw matigil ko din ang mga bisyo ko.
next. after namin mag usap-usap, pumunta kami sa bahay ng aming kaklase dito din sa antipolo. kanina din ay natuto ako mag tong-its. nung natuto ako, naglaro kami ng may pustahan. nakakahiya yung pustahan so hindi ko na siya babanggitin. natalo ako kaya nag bayad ako. tinupad ko ang usapan namin. kaya simula nun, sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ako mag lalaro ng tong-its na may pusta. at dun ko din narelize na gambling is very bad. sa una ka lang sswertehin. :))
Monday, January 26, 2009
Saturday, January 24, 2009
nang biglang..
isang linggong paghihirap. ako'y nangitim, nasugatan, napagod. ngunit madami din akong natutunan. yan ang mga naramdaman at naranasan ko sa aming camping nung tuesday hanggang thursday. monday palang ay naghahanda na kami ng aming dadalhin, aming skit, stomping at cheering. kinabukasan ay ang aming camp na. bago kami umalis ay nagkaroon lang ng konting problema. pero nalutas din naman namin kaya ok lang. pagdating namin sa camp site, nagsimula na kami ng aming mga activities hanggang 3rd day. kaya siguro kami nangitim dahil sa aming orienteering dahil napaka init talaga. as in babad ng ilang oras tas tatakbo pa. sokma talaga.
so medyo forward na tayo. kahapon, ay ang aming rest day. pero hindi siya rest day para sa akin dahil may inasikaso nanaman ako. umaga palang sinamahan ko ang nanay ko sa ortigas tapos nagpacheck up ako ng mata. nung una ay kinakabahan pa ako dahil baka may makitang mali sa mata ko. ngunit kaya lang pala siya namumula ay dahil babad lang sa araw. pero normal padin at walang problema. kaya kung makikita niyo ako madalas sa initan ay lagi akong may suot na shades. payo sa akin ng doktor yun. kung gusto ko pa daw pumuti ung mata ko, huwag daw ako magbabad sa araw o kung magbabad man, dapat laging may shades. so after ko magpacheck up ng mata ay naghiwalay na kami ng aking nanay. dahil may pinuntahan pa ako. sa trinoma. pumunta ako dun dahil may inasikaso din akong mahalagang bagay. pagkatapos nun, umuwi na ako. siguro mga 10 ng gabi nadin ako naka uwi dahil sa traffic at mahabang pila. kase natyempohan ko ang uwian e.
forward pa tayo ng konte.
kanina, i'm sad. kase umalis nanaman ang nanay ko papunta ng ibang bansa. kaya hindi ako nakapag futsal dahil hinatid namin siya. so ayun, wala nanaman akong kachikahan dito sa bahay. matagal nanam siya uuwi.
kaya eto ako ngayon. pagod na pagod.. ngayon palang ako magpapahinga. -.-
-drahcir

Friday, January 16, 2009
i'm amazed.

kaninang umaga, habang ako'y kumakain ng almusal at humihigop ng mainit na kape. nabalitaan ko sa radyo ang isang plane crash. actually, hindi siya plane crash. it was a water landing kaya astig. isang airbus 320-214 ang bumabaybay sa Hudson river. di ko sure. basta dun sa place na yun. nagsimula daw ang insidente dahil nakahigop ang dalawang makina ng mga ibon na pinagmulan ng engine failure. kaya ayun na nga. ang ginawa daw ng piloto ay nag glide lang at hindi nataranta (daw). ayon sa mga nakasaksi, ang pag landing daw sa tubig ng eroplano na 'toh ay kalmado at malinis. dun talaga ako namangha sa piloto na ito. nakakamangha siya kase, kaya niya mag glide ng smooth and calm na hindi ginagamit ang 2 engine generator ng eroplano. dahil kung hindi kaya balansehin ng piloto ang eroplano ay baka tumambling tambling eto sa ere. nakakahilo yun! haha kaya saludo ako sa kanya. astig ka brad. sana maging piloto ako balang araw. dream ko talaga yun. haii..
-drahcir
Wednesday, January 14, 2009
matagal nanaman akong di nakapag post dito.. sorry.. dahil lang siguro madami na akong iniisip ngayon. kanina, we had our christian formation facilitated by Victory... uhmm.. ano ba tawag sakanila. christian.. uhh group? sorry di ko talaga alam.. anyways. habang may tinatalakay sila kanina, napapa isip ako sa mga bagay bagay. dahil ilan sa mga topic nila ay tungkol kay God and syempre kasama na doon ang love. may something sa utak ko na hindi ko talaga masagot. hindi ko nalang sasabihin kung ano. nahihiya ako e. haha
bibitinin ko nalang kayo sa kwento na yan. di ko pa kase trip magkwento ngayon. basta yun. naglesson lang kami kanina, tapos ung christian formation. tapos nag walk trip sa bayan. tapos pinagtripan ko sarili ko. nagrecreate sa bayan mag isa. tas umuwi na. ganun lang naman un e. ba't ko pa papahabain. :))

Tuesday, January 6, 2009
kanina ay nagbalik eskwela na kami. pag pasok ko kanina sa aming silid, ay binati (greet) ko kaagad ang iba kong mag aaral. at nagkwentuhan kami tungkol sa nakalipas na bakasyon. ang ilan sa amin ay biniyayaan ng malalaking halaga ng salapi. ang iba naman ay may mga bagong gamit. ang iba naman, walang natanggap o walang napamaskuhan. ang ibig sabihin lang siguro nun ay tumatanda na tayo. haha nang tumunog na ang bell, dumating si maestro benjo. at may binanggit lang na reminder atbp. pagkatapos nun ay nagsimula na kami mag ensayo ng sayaw para sa aming promenade. maghapon lang kaming sumasayaw. modern. tska di ko lam tawag dun sa isa. nang sumapit ang uwian ay umuwi ako agad dahil sa kapatid ko. kawawa naman walang kasama baka umiyak. kaya eto. magkasama kaming dalawa ngayon. for the first time. di siya umiyak ngayon na ako lang kasama. teka. di pa pala ako tapos sa drafting. BS. meron na ako sa scratch paper. aayusin ko nalang. simple lang dream house ko. isang palapag lang. kaya madali lang tapusin. haha hoo..
-drahcir
-drahcir
Friday, January 2, 2009
yes. it's 2009.. so fast so fast.
taon taon ay nakagawian na ng iba sa atin ang pagkakaroon ng new year's resolution. nilalaman ito ng mga bagay bagay na gusto nating baguhin. ako, bihira ko lang gawin ang new year's resolution. dahil alam kong may ugali akong tinatawag na "ningas kugon". ang ibig sabihin nito ay sa simula lang sinsipag, pag dating sa huli ay tinatamad na gawin. ganun ako. kaya simula nung napansin ko yung ugali na yun ay tinigil ko na ang pag gawa ng new year's resolutions. kaya ang gagawin ko nalang ngayon ay pasalamatan ang mga taong dapat pasalamatan.
1. si Lord- na walang sawang nagbibigay ng blessings sa akin lagi.
2. ang mga magulang ko:
2a: si mama- na laging sumusuporta sa akin at nagluluto ng ulam naming lahat. atbp.
2b: si tito roger- na nagtuturo sakin ng math pag di ko alam. tska bumibili ng ulam namin. atbp.
3. ang kapatid ko: na ubod ng kulit
4. ang mga kaibigan ko: na nagpapautang sa akin sa oras ng kagipitan. at laging nanjan pag may problema ako. atbp.
5. mga guro: na nagttyagang magturo sa akin kahit hirap akong umintindi.
6. at ikaw: dahil sa pag bisita sa blog ko :)
madami pa akong hindi nabanggit. madami kasi sila masyado e. pero ayan. para sa mga di ko nabanggit.. salamat nadin! salamat sa memories na iniwan niyo nung previous years. sana keep in touch padin tayo hanggang sa mga susunod pa na taon. ok too much for that. masyado nang madrama. haha pero syempre bagong taon kailangan din ng mga konting pag babago sa buhay para maiba naman. pero sa akin nalang yun. nakakahiya ishare eh. haha
sana maganda ang pasok ng taon sa atin. para cute.

Subscribe to:
Comments (Atom)