Thursday, March 26, 2009

sadyang nakakapagod ang araw na toh. unang una, kulang na kulang talaga ang tulog ko. tapos umalis pa kami. para ayusin ang rehistro ng aming sasakyan at nagpa kuha nadin ako ng lisensya.

7:00 ang oras ng gisnig ko. kumain ako ng breakfast at nagbihis dahil pupunta ako sa sa bangko sa marikina ng 9:00. medyo late pero nakahabol at wala naman masyadong madaming tao. ang kinainis ko lang ay ang panahon. dahil jacket ang dinala ko imbis na ang aking minamahal na shades. dahil sa pagbago ng panahon, di ko napansin na umaaraw na pala. so masyadong nakakairita ang sinag ng araw at hindi ako sanay. ganun na pala kainit ngayon.

natapos na ang ang babayrin ko sa bangko. next stop. sa LTO. medyo natuwa pa ako dahil sa wakas! maiisyuhan nadin ako ng student's permit. PERO, may malaking problema. ang aking TIN number ay wala padin. akala ko nung una ay 18 pataas lang ang kumukuha nun at ang mga minors na tulad ko ay di na kinakakilangan dahil wala pa akong trabaho. kaya ayun. punta naman ako ng BIR para maisyuhan ng TIN. akala ko nung una e wala requirements yun. yun pala ubod ng dami. so bukas. panibagong lakad nanaman.

next week siguro nakatakda ang aking driving school. sana matuloy. wee!!


drahicr

No comments: