hello. magandang gabi sa inyo. gusto lang ibahagi sa inyo ang karanasan ko kanina. dahil nakapag-enroll na ako sa aking papasukan na kolehiyo. medyo nagmukha akong ignorante at tanga dahil hindi ko alam ang gagawin ko. unang una, hindi ko alam na may steps pala ang pag eenroll sa college. hindi siya katulad sa high school na ipapakita mo lang ang card mo at magbabayad na. meron akong 10 steps to enroll. meron itong advisers, assesment, registrar, NSTP, library, bookstore, clinic, uhh.. nakalimutan ko na yung iba. basta, inabot ako ng almost 4 hours sa pag eenroll dahil sobrang dami pala ng fi-nill upan. sa slots palang e sobrang dami na. then yung contract at personal information. ang maganda lang dun ay wala itong interview.
gumising ako ng 5 am (aga noh?) dahil hindi naman ako sa aming bahay natutulog kundi dito sa bahay ng tita ko. medyo malapit lang naman sa bahay. siguro 5km. then, 5:30 ako umuwi ng bahay para maligo, magbihis, kumain, uminom ng tubig, tumae, magtoothbrush. 6:30 ako umalis ng bahay. since medyo traffic sa ortigas at sa baclaran, nakadating ako sa kolehiyo na papasukan ko mga 9:30. then, tuloy tuloy na. hindi ko kaya mag uwian. dahil napaka layo talaga ng antipolo sa papasukan ko. so farewell sa antipolo na. tutuloy ako sa ninang ko sa alabang. siguro pag naka kotse nalang ako mag uuwian. haha kelan pa yun. baka di mangyari yun. hahaha
drahcir
Thursday, April 2, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment