Tuesday, April 28, 2009

ako si richard sugatan.

yeah. halos lahat ng kabataan ngayon ay nangangarap makapagmaneho ng kotse. at isa na ako doon, siyempre kung gusto natin magmaneho ay dapat lisensyado tayo. ngayon ay nag aapply ako ng lisensya ko. ngunit di ko ito makuha di ko alam kung tadhana ba, malas lang talaga ako o parehas. dalawang araw na ako pumupunta sa tanggapan ng LTO at di padin ako makakuha. nung unang araw ko ng pagpunta doon ay nasaraduhan ako ng window 9 kung saan doon pinoproseso ang pag aapply ng student license. so kanina bumalik ako. tuwang tuwa pa ako dahil sinusulat na niya yung tin number ko.. ngunit hiningian ko ng id ng magulang ko. yun na. naguho ang mundo ko. sabay sabi "balik ka nalang bukas". all right! so ayun, sana bukas di na ako bigo. sana makuha ko na. huhu


drahcir

No comments: