kaka-uwi ko lang kahapon galing sa aking tiyahin sa susana heights. yun ay matatagpuan sa muntinlupa. pumunta ako doon ng huwebes ng umaga. medyo mahaba- haba ang biyahe. pagdating ko dun, ay nakita ko ang mga pinsan ko na di ko kaclose at ang iba ko pang mga tita. kaya ako pinapunta dun dahil mag uusap usap ang mga mag iistay-in doon sa lugar na yun. halos lahat ng titira (live) doon ay mga pinsan kong college students. pinag usapan namin ang aming mga kontribusyon sa bahay dahil walang mag aalaga nito kundi kami kami lang. so na assign ako sa pag lilinis ng banyo sa unang palapag ng bahay. ako din ang bahala sa living room. yun ang ginawa namin nung unang araw ng pag-stay ko dun. day 2, kung kailan sinubukan ko ang ruta papuntang sucat kung saan ako papasok. malapit lang at napaka mura ng pamasahe, ngunit dahil sa mabagal na pagdaloy ng sasakyan ay inabot ako ng sobrang tagal sa skyway. sana sa pasukan walang ganung trapik. hahaha tapos nun ay tumambay na ako sa sm sucat. oha! layo ng pinag tambayan ko noh? hahaha tapos sa kahapon na ako umuwi ng antipolo. medyo kulang ang aking tulog dahil sadyang napaka init doon. lalabas ang mantika mo kapag di ka naligo ng dalawang araw. oh well, ayun lang.
drahcir
Sunday, April 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment