Sunday, April 12, 2009

my holy week.

magandang gabi ulit sa inyo. medyo natagalan ako sa pagpost dahil nagfasting ako nitong nakaraang huwebes, biyernes at sabado. gadget fasting. walang ipod, celphone at laptop for 3 days. so ngayon nalang ulit ako nakapag computer. et naman ang mga pinag-kaabalahan ko nung holy week:

huwebes:
eto ang unang araw ko ng pagffast. so ang kapalit ng mga pag sasaya ko sa mga materyal na mga bagay na ito ay ang pagrereflect, pagdasal at pagbasa ng bibliya. siyempre hindi yun matatawag na fasting kung wala ang mga gawain na `to. pero , medyo nagtrabaho din ako nitong araw na ito. naging construction worker ako for a day. ang pagiging trabador parala ay hindi madaling gawain. nagbababad sa araw at tumatagaktak na pawis para sa maliit na halaga bilang kapalit. maganda din itong pamalit sa pag ggym kung kulang ang iyong budget at maihahambing ko din ito bilang sport. warm up: ang pag lilnis ng paligid at paghahanda ng instrumentong gagamitin. aksyon, ang paghahalo ng semento at buhangin. ito ang pinaka mahirap na parte ng pagiging karpintero. at ang cool down ay ang pag papatag ng semento. akala ko nung una ay simple lang ang mga bagay na ito. pero mabigat pala. kaya wag nating mamaliitin ang ating mga kapatid nating karpintero dahil ang pagkakarpintero ay isang marangal na trabaho. hahaha

biyernes:
eto ang araw ng pahinga ko. dahil talagang napagod ako sa paghahalo ng semento. hahaha pero medyo may nangyaring hindi maganda dito sa araw na `to dahil na-injured ako. dahil sa paglaro ko ng basketball. sa tagal kong naglalaro ng basketball ay ngayon ko lang naranasan ang sprain. masakit nga pala talaga at hindi talaga makakalakad. akala ko noon acting lang yung ganun. ngayong nasubukan ko na, hindi ko na ulit maiisip yun.

sabado:
nagpapagaling ako nitong araw na ito hindi ako makalakad dahil masakit at namamaga ang paa ko. kaya buong araw lang akong nakatambay at magreflect.

ngayon, linggo:
eto, pilay padin at nagttype. nakakalakad na pero hindi pa ako diretso maglakad. ngayong araw din nagsimula ang aming liga. malas ko at hindi ako makalaro dahil sa aking pilay. sana gumaling na itong sprain ko para makatakbo at makatalon na ulit ako.

kayo? kumusta ang holy week niyo? masaya ba kayo? share niyo naman.



drahcir

No comments: