Saturday, July 4, 2009

matagal nagbakasyon ang blog ko, matagal nadin akong hindi nagppost. dahil lang siguro sa mga ginagawa ko kaya wala na akong oras magblog. pero ngayon, since wala naman akong gagawin, magpopost nalang ako. madami na akong experiences sa tatlong linggo kong nagccommute papunta at pauwi ng school. madami ka talagang makikitang mga tao na desperado, walang pera, pinipilit magpakasaya o sadyang malakas lang ang trip. dun ko nakikita ang paghihirap ng pilipinas. kahapon nga, habang nag a-ROTC ako, kinkwento ng flight commander namin (katumbas ng platoon leader ng high school) ang mga tungkulin ng air force sa bansa. bago yun, sinabi niya muna ang tatlong elemento ng AFP (arm forces of the philippines) na philippine navy, philippine army, at ang philippine air force kung saan ako nag a-ROTC. yung mga fleet ng pilipinas ngayon ay naluluma at nag kakaubusan na. hindi daw katulad nung panahon pa ni marcos na marami pa daw ang pang attack ng air force na S-211 fighter jet. tapos ayun. may nakita ako kahapon na nakapark sa hangar na di ko alam ang tawag. parang charter plane. yun siguro yung presidential plane. tapos yun, sa ROTC tinuruan kami ng marching, salute parang CAT lang ng high school. so yun medyo late lang ang uwian. nakauwi ako sa bahay ng mga 830 pm. ayun lang. share lang. :)


drahcir

No comments: