Tuesday, April 28, 2009

ako si richard sugatan.

yeah. halos lahat ng kabataan ngayon ay nangangarap makapagmaneho ng kotse. at isa na ako doon, siyempre kung gusto natin magmaneho ay dapat lisensyado tayo. ngayon ay nag aapply ako ng lisensya ko. ngunit di ko ito makuha di ko alam kung tadhana ba, malas lang talaga ako o parehas. dalawang araw na ako pumupunta sa tanggapan ng LTO at di padin ako makakuha. nung unang araw ko ng pagpunta doon ay nasaraduhan ako ng window 9 kung saan doon pinoproseso ang pag aapply ng student license. so kanina bumalik ako. tuwang tuwa pa ako dahil sinusulat na niya yung tin number ko.. ngunit hiningian ko ng id ng magulang ko. yun na. naguho ang mundo ko. sabay sabi "balik ka nalang bukas". all right! so ayun, sana bukas di na ako bigo. sana makuha ko na. huhu


drahcir

Sunday, April 19, 2009

muntinlupa experience.

kaka-uwi ko lang kahapon galing sa aking tiyahin sa susana heights. yun ay matatagpuan sa muntinlupa. pumunta ako doon ng huwebes ng umaga. medyo mahaba- haba ang biyahe. pagdating ko dun, ay nakita ko ang mga pinsan ko na di ko kaclose at ang iba ko pang mga tita. kaya ako pinapunta dun dahil mag uusap usap ang mga mag iistay-in doon sa lugar na yun. halos lahat ng titira (live) doon ay mga pinsan kong college students. pinag usapan namin ang aming mga kontribusyon sa bahay dahil walang mag aalaga nito kundi kami kami lang. so na assign ako sa pag lilinis ng banyo sa unang palapag ng bahay. ako din ang bahala sa living room. yun ang ginawa namin nung unang araw ng pag-stay ko dun. day 2, kung kailan sinubukan ko ang ruta papuntang sucat kung saan ako papasok. malapit lang at napaka mura ng pamasahe, ngunit dahil sa mabagal na pagdaloy ng sasakyan ay inabot ako ng sobrang tagal sa skyway. sana sa pasukan walang ganung trapik. hahaha tapos nun ay tumambay na ako sa sm sucat. oha! layo ng pinag tambayan ko noh? hahaha tapos sa kahapon na ako umuwi ng antipolo. medyo kulang ang aking tulog dahil sadyang napaka init doon. lalabas ang mantika mo kapag di ka naligo ng dalawang araw. oh well, ayun lang.


drahcir

Sunday, April 12, 2009

my holy week.

magandang gabi ulit sa inyo. medyo natagalan ako sa pagpost dahil nagfasting ako nitong nakaraang huwebes, biyernes at sabado. gadget fasting. walang ipod, celphone at laptop for 3 days. so ngayon nalang ulit ako nakapag computer. et naman ang mga pinag-kaabalahan ko nung holy week:

huwebes:
eto ang unang araw ko ng pagffast. so ang kapalit ng mga pag sasaya ko sa mga materyal na mga bagay na ito ay ang pagrereflect, pagdasal at pagbasa ng bibliya. siyempre hindi yun matatawag na fasting kung wala ang mga gawain na `to. pero , medyo nagtrabaho din ako nitong araw na ito. naging construction worker ako for a day. ang pagiging trabador parala ay hindi madaling gawain. nagbababad sa araw at tumatagaktak na pawis para sa maliit na halaga bilang kapalit. maganda din itong pamalit sa pag ggym kung kulang ang iyong budget at maihahambing ko din ito bilang sport. warm up: ang pag lilnis ng paligid at paghahanda ng instrumentong gagamitin. aksyon, ang paghahalo ng semento at buhangin. ito ang pinaka mahirap na parte ng pagiging karpintero. at ang cool down ay ang pag papatag ng semento. akala ko nung una ay simple lang ang mga bagay na ito. pero mabigat pala. kaya wag nating mamaliitin ang ating mga kapatid nating karpintero dahil ang pagkakarpintero ay isang marangal na trabaho. hahaha

biyernes:
eto ang araw ng pahinga ko. dahil talagang napagod ako sa paghahalo ng semento. hahaha pero medyo may nangyaring hindi maganda dito sa araw na `to dahil na-injured ako. dahil sa paglaro ko ng basketball. sa tagal kong naglalaro ng basketball ay ngayon ko lang naranasan ang sprain. masakit nga pala talaga at hindi talaga makakalakad. akala ko noon acting lang yung ganun. ngayong nasubukan ko na, hindi ko na ulit maiisip yun.

sabado:
nagpapagaling ako nitong araw na ito hindi ako makalakad dahil masakit at namamaga ang paa ko. kaya buong araw lang akong nakatambay at magreflect.

ngayon, linggo:
eto, pilay padin at nagttype. nakakalakad na pero hindi pa ako diretso maglakad. ngayong araw din nagsimula ang aming liga. malas ko at hindi ako makalaro dahil sa aking pilay. sana gumaling na itong sprain ko para makatakbo at makatalon na ulit ako.

kayo? kumusta ang holy week niyo? masaya ba kayo? share niyo naman.



drahcir

Wednesday, April 8, 2009

work work work

yeah. di ko alam pero ang busy ko ata ngayong araw. pag gising palang kanina e naiisip ko na lahat ng inutos sakin para gawin ko ngayong araw. nagsimula ako ng 10 am. 1st stop, sa hardware. bumili ako ng 1 sako ng semento at 2 sako ng buhangin. it`s kindda heavy pero kaya. haha susunod ay sa palengke, bumili ako ng prutas, nag pagawa ng mga gawain at siyempre kumain nadin. lunch time na yun e. after nun, umuwi ako sa bahay tapos nun ay umalis ulit ako. sunod na pinuntahan ko ay ang vulcanizing shop. nagpavulcanize ako dahil butas yung gulong niya. hahaha kaya nautusan lang ako. medyo nainip din ako. dahil antagal pala mag vulcanize ng gulong. pag uwi ko nireklamo sakin may singaw padin daw. so sayang yung oras na punta ko sa shop. nasunog ang bente ko sa wala.

bukas ay nakatada ang aming konstraksyon ng aking tito. so baka maghapon nanaman akong busy bukas. dibale. minsan lang naman yun. mas ok na yun kesa sa walang ginagawa. atlis iwas sa tukso. ;)

drahcir

Thursday, April 2, 2009

bagong buhay

hello. magandang gabi sa inyo. gusto lang ibahagi sa inyo ang karanasan ko kanina. dahil nakapag-enroll na ako sa aking papasukan na kolehiyo. medyo nagmukha akong ignorante at tanga dahil hindi ko alam ang gagawin ko. unang una, hindi ko alam na may steps pala ang pag eenroll sa college. hindi siya katulad sa high school na ipapakita mo lang ang card mo at magbabayad na. meron akong 10 steps to enroll. meron itong advisers, assesment, registrar, NSTP, library, bookstore, clinic, uhh.. nakalimutan ko na yung iba. basta, inabot ako ng almost 4 hours sa pag eenroll dahil sobrang dami pala ng fi-nill upan. sa slots palang e sobrang dami na. then yung contract at personal information. ang maganda lang dun ay wala itong interview.

gumising ako ng 5 am (aga noh?) dahil hindi naman ako sa aming bahay natutulog kundi dito sa bahay ng tita ko. medyo malapit lang naman sa bahay. siguro 5km. then, 5:30 ako umuwi ng bahay para maligo, magbihis, kumain, uminom ng tubig, tumae, magtoothbrush. 6:30 ako umalis ng bahay. since medyo traffic sa ortigas at sa baclaran, nakadating ako sa kolehiyo na papasukan ko mga 9:30. then, tuloy tuloy na. hindi ko kaya mag uwian. dahil napaka layo talaga ng antipolo sa papasukan ko. so farewell sa antipolo na. tutuloy ako sa ninang ko sa alabang. siguro pag naka kotse nalang ako mag uuwian. haha kelan pa yun. baka di mangyari yun. hahaha


drahcir